Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Monday, February 03, 2014

Mag-ina patay sa compartment ng sariling kotse (Erpat itinurong suspek)




Hataw Tabloid

FROM: WEBSITE OF HATAW

links:  http://www.hatawtabloid.com/2014/02/03/mag-ina-patay-sa-compartment-ng-sariling-kotse-erpat-itinurong-suspek-2/



Mag-ina patay sa compartment ng sariling kotse (Erpat itinurong suspek)



WALA ng buhay nang matagpuan ang mag-ina sa  compartment ng kanilang kotse, sa Parañaque city kahapon ng  hatinggabi .
Kinilala ni Parañaque city police chief Senior Supt. Ariel Andrade, ang mag-inang sina Fe Rafael, 54,  at anak na si Danilo Rafael, Jr., 18, nakatira  sa panulukan ng Timothy at Narra Streets, Multinational Village, Barangay Moonwalk.
Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa may palo sa ulo ang  mag-ina na kanilang ikinamatay.
Sa imbestigasyon ni PO1 Pio Calvo, ipinaalam ni Daniel Castro, Jr., 43, kapatid ni Fe, sa mga awtoridad na nadiskubre nila ang mga bangkay sa compartment ng kotseng Ford Fiesta, may plakang TQU-896,  nakaparada sa harap ng bahay ni Castro sa 7-A Narra St., Multinational Village, dakong 12:30 ng madaling araw.

Ipinagtaka ng kaanak ng mag-ina kung bakit nakaparada sa lugar ang nasabing sasakyan at nang  kanilang inspeksiyonin, tumambad sa kanila ang bangkay nina Fe at Daniel, Jr.
Ayon sa pulisya, ang hinihinalang suspek ay ang mister ng ginang na si Danilo Rafael, Sr., 54, kasalukuyang pinagha-hanap ng mga awtoridad.
“Masyado raw seloso ang suspek at madalas na nagtatalo ang mag-asawa. Nang puntahan ng follow-up unit ang bahay ni Danilo, Sr., wala siya roon at hindi pa alam kung sa loob ng kanilang bahay nangyari ang krimen,” pahayag ng pulisya.
Pansamantalang inilagak ang bangkay ng mag-ina sa People’s Funeral Homes para sa awtopsiya.






HATAW WEBSITE




LINKS:





 

ANTI CRIMINALITIES

ANTI CRIMINALITIES

ANTI CRIMES

ANTI CRIMES

PEACE AND ORDER

PEACE AND ORDER

ENFORCEMENTS

ENFORCEMENTS