Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Thursday, June 18, 2015

Anak ng negosyante na-rescue sa mga kidnappers sa Zamboanga Sibugay

   
From the Website of BOMBORADYO
links: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/110609-anak-ng-negosyante-na-rescue-sa-mga-kidnappers-sa-zamboanga-sibugay
 Anak ng negosyante na-rescue sa mga kidnappers sa Zamboanga Sibugay

ZAMBOANGA CITY - Inaalam pa ng mga otoridad kung kaninong grupo ang responsable sa pagdukot sa anak ng isang negosyante sa bayan ng Imelda sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay na naisalba sa isinagawang operasyon.

Base sa ulat ng Police Region Office (PRO-9), kinilala ang biktima na si Kathy Grace Cunting Sarabia, 24, na nagtatrabaho bilang lending collector.

Napag-alaman na dakong alas-8:00 ng gabi habang naghahapunan ang biktima at ang kanyang ina na si Erlinda Cunting Sarabia, 48, sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang mga suspek at sabay silang tinutukan ng baril at saka nagdeklara ng holdap.

Puwersahang kinuha ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bag na doon nakalagay ang pera at nilimas din ang iba pa nilang mga personal na gamit.

Sunod namang itinali ng mga suspek ang ina ng biktima kasama ang lima pa nilang kaanak kabilang ang pitong taong gulang na bata.

Tumakas ang mga ito sakay ng sasakyan ng biktima kung saan siya ang pinagmaneho.

Matapos makatanggap ang impormasyon ang mga otoridad ay kaagad na nagsagawa ng pursuit operation at naglagay ng mga blocking forces sa mga posibleng dadaanan nila.

Nang maharang ng mga otoridad ang armadong grupo kasama ang biktima ay dito na nagresulta sa palitan ng putok hanggang sa napilitan nilang iwanan ang biktima.

Nabatid na habang papatakas ang mga suspek ay binaril din ng mga ito ang dalawang sibilyan kung saan isa ang napaulat na namatay.

Patuloy ngayon ang pagtugis sa mga tumakas na armadong grupo na pinaniniwalaang mga kidnapper.

Nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang na-rescue na biktima at isinasailalim sa debriefing.
- See more at: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/110609-anak-ng-negosyante-na-rescue-sa-mga-kidnappers-sa-zamboanga-sibugay#sthash.uob79FCz.dpuf



  INTERAKSYUN Website











OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES









PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS



--------------------------------------------------------

----------------------------------  

----------------------------
 

ANTI CRIMINALITIES

ANTI CRIMINALITIES

ANTI CRIMES

ANTI CRIMES

PEACE AND ORDER

PEACE AND ORDER

ENFORCEMENTS

ENFORCEMENTS