Social Icons

twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Thursday, September 25, 2014

Handa si PNP chief 'magpa-lifestyle check' - Mar






Handa si PNP chief 'magpa-lifestyle check' - Mar

DILG Sec. Mar RoxasDILG Sec. Mar Roxas
Dumistansiya si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kaugnay sa isyung yaman ni PNP chief si Director General Alan Purisima.

Ayon kay Roxas, tanging si Purisima lang ang makakasagot ukol sa kaniyang ari-arian na siyang ginagamit na basehan sa mga batikos at panawagan na magbitiw na ito sa kaniyang pwesto.

Giit ni Roxas, ang tanging masasagot lamang nito ang nilalaman ng kaniyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Tiwala naman ang kalihim na kayang kayang sagutin ni Purisima ang lahat ng mga alegasyon na ipinupukol sa kaniya.

Inihayag ni Roxas na handa naman si Purisima sagutin ang ukol sa isyung ito at maging ang pagsasailalim sa lifestyle check.

Lumitaw ang isyu ukol sa rest house, poultry farm at planta ni Purisima sa harap ng isinususulong na lifestyle check sa mga pulis matapos na madiskubre na maraming mga pulis ang milyonaryo partikular na ang mga pulis na dawit sa paggawa ng iligal.

Para nama kay PIO chief Gen Theodore Reuben Sindac, ang naturang mga alegasyon umano ay kaya namang sagutin ng PNP chief.

Samantala, kinumpirma ng pamunuan ng pambansang pulisya na uunahin sa isasagawang lifestyle check ang lahat ng mga PNP generals.





BOMBO RADYO Website



links:







OTHER HUMAN RIGHTS PROMOTIONS WEBSITES



PROTECTION AND PROMOTION OF HUMAN RIGHTS

-----------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------
-----------------------------
 

ANTI CRIMINALITIES

ANTI CRIMINALITIES

ANTI CRIMES

ANTI CRIMES

PEACE AND ORDER

PEACE AND ORDER

ENFORCEMENTS

ENFORCEMENTS